Monday, February 15, 2010

footlong

kung talagang para sa iyo, gagawin mo ang lahat para mapasaiyo

pero paano kung may masasaktan sa gagawin mo?

hahayaan mo nalang bang magparaya para sa kanya, o handang magsakripisyo para sa sariling kapakanan?

anong klaseng sakripisyo ang pipiliin mo? sakripisyo sa sarili o sakripisyo para sa sarili?


mas gugustuhin ko pang magparaya kesa makipagkompitensya, kung para lang sa isang bagay na alam kong makukuha ko sa ibang paraan

mas nanaisin kong maging mapagbigay, kahit na alam kong hindi nararapat, dahil mas pinapahalaga ko ang mga masasaktan kesa sa aking sariling kasakitan

dahil ako ang tipo ng taong nagbibigay ng kaligayahan, kahit na ako ang nasasaktan

dahil ako ang tipo ng taong nakakapaghintay, at hinahayaan ang panahong maghusga kung ano ang nararapat para sa akin

.